RESTORED BY FAITH
Ayoko ng reporting

Hindi dahil sa wala akong ma-report, o wala akong masabi. Ayoko lang talagang ginugugol yung oras ko sa pag tuturo ng bagay bagay. Okay lang sana kung English ang subject, kasi okay yu’n sa speaking skills. Eh kaso hindi eh. Hindi lulusot sa pananaw ko.

Nag babayad ako sa eskwelahan para matuto. Hindi para mag turo.


Today will never come again.

So be a BLESSING.

Be a FRIEND.

ENCOURAGE someone.

Take time to CARE.

Let your words HEAL, and not WOUND.


Minsan natatakot ako sa buhay eh. Yung tipo na napapatanong ako sa sarili ko, Pa’no kung bukas wala na’ko? Pa’no kung magising man ako, pero wala na ang mga taong mahal ko? Pa’no nga kung mag rapture na bukas, mapupunta ba’ko sa langit o lalamunin ako ng lupa? Alam ko, weird. Sobrang weird. Sabihin na nating nap-praning na ako. Pero ganu’n talaga eh.

Seventeen years na’kong humihinga sa mundong ‘to… Naging mabuting tao ba’ko? Marami ba’kong napasayang tao? May iiyak man lang ba pag namatay ako?

Ikaw, takot ka rin ba?